Thursday, May 10, 2007

Bahagi ng Pananalita


1. Pangngalan-tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay , lugar, hayop at pangyayari.
Hal. babae, Iligan, mesa, Edsa Revolution atbp

2. Pandiwa- tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos
Hal. tumawa, lumangoy, kumain, naglakad

3. Panghalip-tumutukoy sa mga salitang inihahalili sa pangalan ng tao, bagay, lugar at itbp.
Hal. ako, siya kami, sila, kayo. amin, tayo atbp.

4. Pang-uri- mga salitang naglalarawan
Hal. maganda. pangit, magulo, maaliwalas atbp.

5. Pang-abay- mga salitang nagbibigay turing sa mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Hal. kahapon, patihaya, sa bahay

Mga Uri ng Texto

1. Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.
Hal. mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
Hal. mga editoryal

3. Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.
Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay
Hal. mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar, pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.